HINIMOK ni Sen. Win Gatchalian ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehistro sa Lifeline Electricity Rate Program ng gobyerno para makakuha ng diskuwento sa kanilang electricity bill.
Ayon kay Gatchalian, ito ay bahagi sa layunin ng gobyerno na palawigin ang subsidiya sa kuryente o bagong Lifeline Rate Program pagdating ng Enero 2024.
Upang makakuha ng diskuwento sa bayarin, ang mga 4Ps beneficiary ay kailangan makapagparehistro hanggang Enero ng 2024.
Partikular na makikinabang dito ay ang mga kumokonsumo ng hindi hihigit sa 100 kilowatt-hours ng kuryente kada buwan o mga customer na itinuturing na nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA).