BIGONG maipanalo ng Detroit Pistons ang kanilang koponan sa ika-27 sunud-sunod na beses sa nagpapatuloy ngayon na NBA Season.
Pinakalatest silang natalo nitong Disyembre 27, Manila time kontra Brooklyn Nets sa iskor na 118-112.
Sa kabila ito ng ambag na 41 points ni Cade Cunningham; 23 points ni Bojan Bogdanovic; 15 points ni Alec Burks; at 12 points at 15 rebounds ni Jalen Duren.
Ang sunud-sunod na pagkatalo na ito ng Pistons ang isa sa pinakamahaba sa kasaysayan ng NBA.
Taong 2010-2011 nang makapagtala ng 26 na sunud-sunod na pagkatalo ang Cleveland Cavaliers habang taong 2013-2014 naman sa kaparehong bilang ang Philadelphia 76ers.
Habang taong 2014-2015 at panimula ng 2015-2016 NBA Season naitala ng 76ers ang 28 sunud-sunod na pagkatalo.