Mga biktima ng pekeng DBM officials, hinimok ng NBI na lumantad

Mga biktima ng pekeng DBM officials, hinimok ng NBI na lumantad

NANANAWAGAN sa publiko ang National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division Chief na i-report sa kanila ang anumang transaksiyon ng nagpapakilalang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Atty. Jerome Bomediano na ito’y makaraang naaresto nila ang walong tao na nagpanggap na mga opisyal ng DBM, kabilang ang isang nagpakilalang undersecretary.

Kamakailan, natuklasan ng NBI na isa sa mga suspek ay nagpanggap bilang isang Undersecretary ng DBM habang nakikipag-ugnayan sa mga biktima kung saan pinapalabas na siya ay namumuno sa mga espesyal na proyekto sa loob ng ahensiya.

Hinikayat umano ng mga suspek ang complainant na pumasok sa mga proyektong nagkakahalaga ng P1.3-B pero may kondisyong nakapaloob sa kasunduan.

Dahil diyan ay humingi ng tulong ang DBM sa NBI at sa isinagawang entrapment operation ay naaresto ang mga suspek sa Mandaluyong City matapos tanggapin ang marked money na P500,000.00 o kalahating milyong piso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble