Mga biyaherong Pinoy, pinaaalalahanan hinggil sa tumataas na kaso ng influenza sa Japan

Mga biyaherong Pinoy, pinaaalalahanan hinggil sa tumataas na kaso ng influenza sa Japan

PINAAALALAHANAN ang mga Pinoy na nais bumiyahe sa Japan hinggil sa tumataas na kaso ng influenza doon.

Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Japan, hangga’t maaari ay mag-avail ng travel insurance kung tutungo sa naturang bansa. Maaari ding magsuot ng face mask ang mga biyahero, lalo na sa matataong lugar at pampublikong transportasyon.

Mas mainam din na huwag nang umalis sa kani-kanilang bahay o tinutuluyan ang mga Pinoy na nasa Japan kung masama ang pakiramdam o mayroong sipon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble