Mga boluntaryo mula sa KOJC, SPM, at lokal na pamahalaan ng Brgy. Mudiang, Davao City, nagkaisa sa tree planting activity

Mga boluntaryo mula sa KOJC, SPM, at lokal na pamahalaan ng Brgy. Mudiang, Davao City, nagkaisa sa tree planting activity

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang isang tree planting activity sa Brgy. Mudiang, Davao City.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng mga boluntaryo mula sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC), Sonshine Philippines Movement, at ang lokal na pamahalaan ng barangay.

Daan-daang mga fruit-bearing trees tulad ng lansones, marang, guava, at abiu ang sabay-sabay na itinanim bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kalikasan at mas luntiang kinabukasan.

Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng KOJC at Sonshine Philippines Movement na tinatawag na “One Tree, One Nation,” na layong magsagawa ng nationwide tree planting activities upang tugunan ang mga hamon sa kapaligiran at magsulong ng mas malinis at mas luntiang Pilipinas.

Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy at aktibong sinusuportahan ng mga miyembro ng KOJC at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, hindi lamang naipapakita ang malasakit ng komunidad sa kalikasan, kundi nakapagbibigay din ito ng hakbang tungo sa pangangalaga at pagpapabuti ng ating kapaligiran.

Ang pagtatanim ng mga punong prutas ay may malaking papel sa pagpapalago ng lokal na ekosistema at sa pagtugon sa mga isyu ng pagbabago ng klima.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter