Mga botante, pabor na tumakbo ang tatlong Duterte sa pagka-senador

Mga botante, pabor na tumakbo ang tatlong Duterte sa pagka-senador

PABOR ang mga botante sa pagtakbo ng tatlong Duterte sa pagka-senador.

Pinulsuhan ng SMNI News ang mga ilan sa ating mga kababayan sa Metro Manila patungkol sa pinakahuling anunsiyo ni Vice President Sara Duterte – at ‘yun nga ay ang planong pagtakbo sa Senado nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Davao City Mayor Baste Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte sa darating na 2025 midterm elections.

Karamihan sa kanila ay ikinatuwa at pabor sa pagtakbo ng tatlong Duterte sa susunod na halalan.

“Okay na okay po ako diyan. Talagang ano ako diyan kung tatakbo sila. Para sa akin ha. Kasi nakita ko dati noong Pangulo si President Rodrigo Duterte, talagang ang ganda ng Pilipinas. Walang drogang involved. Talagang humina iyon. hindi katulad ngayon na napakalantaran eh,” ayon kay Bona Pablo, Botante.

“Talagang dalawang kamay ako doon. Thumbs up talaga ako,” aniya.

“Dapat ibalik talaga. Sila po dapat ang bobotohan,” wika ni Jenelyn Goloran, Botante

“Isipin mo ha, ngayon ikukumpara mo ngayon, at tsaka ‘yung papa niya noon na nakaupo, lahat ng mga nagshashabu, hindi mo makikita. Pero ngayon harap-harapan, kahit mga anak ko nakikita nila,” dagdag nito.

“Ok naman po ‘yun para sa akin. Nawala ‘yung mga kriminal, ‘yung mga adik. Eh ngayon ang dami na naman na kaano sa kalsada,” saad ni Tess, Botante.

“Mas gusto ko nga sa kanila kasi noong time na sila ‘yung namumuno, nabawasan ang mga adik sa kalsada, ‘yung mga holdaper nabawasan talaga. So, kung para sa akin na tumakbo bilang senador or presidente, pwede kasi kaya naman nila eh,” ayon kay Jao, Botante.

“Kailangan ng kamay na bakal kasi lalo na sa amin eh alanganin kaming oras na bumibiyahe. Umaabot kami ng alanganin na oras,” aniya pa.

“Mas okay ngayon sir eh para maibalik ‘yung dati. Para maging ulit ‘yung pamumuhay ng mga tao maging okay ulit,” ani Eric Bayot, Botante.

“Masyadong krisis ngayon kasi mataas ‘yung bilihin. Mas maganda may Duterte, mababa ‘yung bilihin, at mataas ‘yung sahod, safe pa ‘yung mga tao,” dagdag nito.

“Gustong-gusto ko si Duterte kasi nakakamenos po kami sa bigas, sa gastusin po noon,” ayon kay Luz Palabrika, Botante.

“Dapat talaga, Duterte ang iboto natin,” saad Luz Palabrika, Botante.

“Sa akin, gusto kong bumalik si Duterte. Kasi okay naman ‘yung pamamalakad niya,” ayon kay Raphael Paclibar, Botante.

“Malaki naman ang nabago ng Pilipinas dahil kay Pangulong Duterte,” ani MJ, Botante.

“Okay naman, masaya kasi marami naman po siyang natanggal na mga tulad ng kriminal, mga drug addict, ganoon,” ayon kay Eloisa Natividad, Botante.

Taumbayan, hindi masisisi kung hinahanap-hanap nila ang mga Duterte— Atty. Roque

Ayon sa dating tagapagsalita ng Malacañang na si Atty. Harry Roque, hindi masisisi ang taumbayan kung bakit excited silang magkaroon ng tatlong Duterte sa Senado lalo’t naranasan na nila ang “Duterte brand of leadership.”

“Nae-excite ang ating mga kababayan na magkaroon ng tatlong Duterte sa Senado. Dahil alam mo pansinin mo, mga usapan palagi ng taumbayan, “Noong panahon ni Duterte,” pahayag ni Atty. Harry Roque, Dating Tagapagsalita ng Malacañang.

“Masisisi mo ba sila kasi noong panahon ni Duterte, may kapayapaan sa mga komunidad. Noong panahon ni Duterte na talagang halos nawala na ang banta ng droga. Noong panahon ni Duterte napakasigla ng ating ekonomiya,” diin ni Atty. Roque.

“Noong panahon ni Duterte mapayapa ang West Philippine Sea at maunlad ang ating bayan dahil sa mas malakas na kalakalan,” aniya.

Dagdag pa ni Roque – isa rin sa pinanggalingan ng excitement ng taumbayan ay ang kanilang pagkadismaya sa administrasyong Marcos lalo na ang mga napakong pangako nito gaya ng bente pesos na bigas.

“So masisisi mo ba sila na talagang hinahanap-hanap ng tao ang Duterte?” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na hindi gahaman sa kapangyarihan ang pamilya Duterte.

Ang totoo aniya ay pinagkakatiwalaan sila dahil napatunayan na ng mga Duterte ang kanilang kakayahang mamuno.

Vice President Sara Duterte, niyanig ang mundo ng politika—Political Strategist

Para naman sa isang political strategist, niyanig ni Vice President Sara Duterte ang mundo ng politika dahil sa pinakahuling anunsiyo nito.

“Parang tectonic, ano bang rank iyan? Kasi nanahimik tayo. Lahat nag-iisip kung ano ba ang dahilan kung bakit nag-resign tapos finally nagsalita,” pahayag ni Malou Tiquia, Political Strategist.

“Tatlong Duterte ang tatakbo, sabi ko aba talaga nga naman. Kung dati hirap na hirap tayong kumbinsihin ang ilan diyan, ngayon tatlo ang tatakbo sa Senado at may gustong magnanais sa 2028,” ayon pa kay Tiquia.

Dagdag pa ni Malou Tiquia – hindi napaaga ang naging anunsiyo ni VP Duterte hinggil sa mga plano ng pamilya nito sa darating na midterm elections.

Malapit lapit na ‘yung October 8. Sa tingin ko iyan eh ay critical announcement. ‘Yung 2028, medyo malayo-layo pa pero kung si Mayor Baste ay nagpapahiwatig ng interes ay maganda rin iyan,” diin nito.

“Sa tingin ko minemeasure nila publicly ano ang reaksiyon ng tao. Of course, mahahati iyan. Mayroong maka-Duterte, mayroong ayaw ang Duterte,” aniya.

Mayor Baste, handang pamunuan ang bansa—Atty. Roque

Samantala, ibinahagi rin ni Vice President Duterte ang sinabi ng kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman na tatakbo si Mayor Baste sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Pero ang tanong, handa ba ang nakakabatang Duterte na pamunuan ang bansa?

“Sa tingin ko naman ay pupwede na iyan na isang termino bilang Mayor, tatlong taon bilang senador, eh handa na rin siya no. At hindi lang iyan no, siya ay lumaki na bilang Duterte. Napaligiran siya ng mga taong naglilingkod mula sa ama niya hanggang doon sa kaniyang ate no,” dagdag naman ni Roque.

“Matindi ang paninindigan niyan. Kung magsalita iyan, pipikit ka parang ama niya ang nagsasalita. Walang pagkakaiba,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble