SA kabila ng pagkalat ng maling balita na ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay lumipad umano ng Hong Kong para tumakas sa ICC warrant, sinubaybayan naman ng mga Dabawenyo sa Freedom Gym, Brgy. New Pandan, Panabo City sa Davao del Norte ang kaniyang paglapag sa abroad.
Ito ay dahil ang kaniyang layunin sa abroad ay upang makasama ang mga OFW sa Hong Kong at suportahan ang PDP-Laban Senatorial Slate.
Kaya naman, kibitz-balikat lang ang mga taga-suporta at excited na pinakinggan ang tinig ng dating pangulo. Naniniwala kasi sila sa kaniyang kakayahan at sumusuporta sa kaniyang pagbabalik sa politika.
“Bakit po na nagustuhan namin ibalik talaga si Tatay Digong; mga Duterte, dahil sa kawawa na ang Pilipinas. Halos lahat—talamak na ang droga, kawawa ang mga kabataan. [Kung] titingnan natin, kahit sa mga daan-daan, iba talaga noong si Tatay Digong pa; PRRD ang ating presidente. Kaya gusto po namin na ibalik talaga, at straight po talaga PDP-Laban,” wika ni Pastora Mary Jane Matac Flock of God Tabernacles, Panabo City.
Iba’t ibang religious organizations, sumusuporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy
Mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, gaya ng mga senior citizen, kababaihan, mga kabataan at maging mula sa iba’t ibang denominasyon; mga pastor at pastora na kahit pa iba ang kanilang pananampalataya ay naniniwala sa magagawa ni Pastor Quiboloy.
Aabot sa 200 na mga miyembro ng simbahan ang dumalo, kung saan ipinahayag nila ang kanilang suporta lalo na sa adbokasiyang isinusulong ng Butihing Pastor na “Religious Freedom”.
“Noong pinahirapan nila ang KOJC, isa kami na nakikisama at umiiyak kung bakit nila ginaganoon, na wala silang respeto sa mga churches. Kung gaano na kalaki ang KOJC, what if kami, kami rin ang isunod? Kaya gusto namin si Pastor Quiboloy talaga ay manalo rin sa Senado dahil siya ay isa rin na makatutulong sa mga churches katulad namin,” ayon kay Pastora Mary Jane Matac Flock of God Tabernacles, Panabo City.
“For me, I consider that Pastor Apollo C. Quiboloy—he has a great path for the Senate to create laws which is just an equitable and also the church or the religious sector must be given concern; freedom to express what is the Gospel says,” saad ni Pastor Ely Ledesma United Pentecostal Church International.
Mga taga-suporta ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa Panabo City, naniniwalang itutuloy ang Duterte legacy
Sa nasabing pagtitipon ay bumuhos din ang suporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, bilang kaisa sa PDP-Laban Senatorial Slate. Sa kaniyang track record ng pagiging spiritual adviser at matagal nang matalik na kaibigan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naniniwala sila na kung sakali man na mabigyan ng pagkakataon na mailuklok ang Butihing Pastor, ay kaya nitong ipagpatuloy ang nasimulan ng dating pangulo para sa ating bansa.
“We are believing that Apollo C. Quiboloy, if he can win the election, ipagpatuloy niya talaga kung anong sinimulan ni PRRD, and we believe na marami siyang magagawa pagka-nakaupo na po siya,” wika ni Pastor Daniel Adrales Greater Life Ministries, Panabo City.
“Alam niya iyong sarili niya na hindi siya korap, he can do and he can continue what Mayor Digong did for the Philippines—peace and order, good budgeting, war on drugs, food security. Iyon ang pinaka-importante, because I know Pastor Quiboloy has a lot of followers, so alam niya na we need food, and he has the strategy of doing that,” ani Eng. Rico Peligro Congressional Candidate, 2nd District Davao del Norte.
“Naniniwala ako na kung si Pastor ay maupong senador, ipagpapatuloy niya ang Duterte way of administration. Ngano? Kay ang Duterte way of administration is naa gyud gugma sa katawhan. Makita nato nga naa gyud gugma si Pastor. Tan-awon lang nimo ang KOJC members, makita nimo kung unsa sila gipadako ni Pastor. Maayo silang mga tawo. Mapalanggaon, ug naay kahadlok sa Ginoo,” ayon kay Ana Dujali Congressional Candidate, 2nd District Davao del Norte.
Tunay na hindi mapipigilan ang boses ng taumbayan, kung sama-sama itong maninindigan at patuloy nilang tatayuan ang prinsipyong kanilang pinanghahawakan.