Mga dayuhan ‘di makapaniwala sa ginawa ng Marcos Jr. admin laban kay FPRRD

Mga dayuhan ‘di makapaniwala sa ginawa ng Marcos Jr. admin laban kay FPRRD

HINDI makapaniwala ang mga taga-ibang bansa sa ginawang ilegal na pag-aresto at kusang pag-turnover ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa mga nakausap ni Vice President Sara Duterte na mga dayuhan, ‘unthinkable’ aniya ang hakbang na ito ng Marcos Jr. admin.

Inamin pa ni VP Sara, kung siya ay isang normal na Pilipino at kung hindi nuya ama si FPRRD ay ikahihiya niya rin ang naging hakbang na ito ng Marcos Jr. admin.

Hinggil naman sa nagdaang May 2025 midterm elections, malaki ang paniniwala ng Pangalawang Pangulo na dinaya ang senatorial line up ng PDP-Laban.

Sinabihan niya na ang PDP-Laban na kuwestiyunin ang resulta ng halalan dahil hindi ito makatotohanan.

Halata para sa kaniya na ang senatorial line up ng PDP-Laban ang tunay na nanalo sa nagdaang halalan.

Matatandaan na nauna nang nanawagan ng manual counting ang kampo ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa kahina-hinalang resulta ng eleksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble