Mga dayuhang planong ipuslit ang P441M halaga ng mga salapi sa Cebu kinasuhan na

Mga dayuhang planong ipuslit ang P441M halaga ng mga salapi sa Cebu kinasuhan na

NAGHAIN na ng tatlong kaso ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga dayuhang nahulihan ng P441M na halaga ng salapi at iba pang foreign currencies sa Mactan-Cebu International Airport.

Partikular na inihain sa mga ito ay ang mga kaso tulad ng tangkang panunuhol sa mga opisyal ng gobyerno, pagharang sa imbestigasyon at ilegal na pag-export ng pera.

Matatandaan na naunang sinabi ng Aviation Security Group na sinubukan umanong suhulan ng mga dayuhan ang mga operatibang sumita at umaresto sa kanila.

Ang mga dayuhan na binubuo ng anim na Chinese, isang Indonesian, isang Kazakhstani at isang Malaysian ay inaresto at dinala na sa Lapu-Lapu City Police Station noong Mayo 10.

Bilang paliwanag naman ng mga ito sa pinanggalingan ng malaking halaga ng pera, sinabi ng mga suspek na napanalunan nila ito.

May certificate pa itong inilabas mula sa isang casino sa Cebu bilang patunay umano.

Nakasaad doon na ang junket operator ay tinawag na ‘White Horse’.

Ang ‘White Horse’ din ang isa sa dalawang junket operators na may e-wallet kung saan nai-trace ang ransom money na ibinayad ng pamilya ni Anson Que, ang negosyanteng Fil-Chinese na dinukot at pinaslang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble