Mga DQ case sa mga kandidato at party-lists ireresolba bago matapos ang Hunyo

Mga DQ case sa mga kandidato at party-lists ireresolba bago matapos ang Hunyo

IRERESOLBA ang lahat ng mga nakabinbing disqualification case laban sa mga kandidato at party list groups na lumahok sa 2025 midterm elections bago ang Hunyo 30.

Ito ang ipinangako ng Commission on Elections (COMELEC) upang matiyak ang maayos na pag-upo ng mga ito sa kanilang mga posisyon.

Inihayag ito ng COMELEC matapos ipagpaliban nila ang proklamasyon ng mga party list gaya ng Duterte Youth at bagong henerasyon dahil sa nakabinbing kaso laban sa kanila.

Samantala, hinggil sa Duterte Youth, sinabi ni Garcia na ayaw ng bagong pamunuan ng COMELEC na makisali sa ‘sisihan’.

Ito ang sagot ng poll body nang tanungin kung bakit naproklama pa rin ang Duterte Youth noong taong 2022 kahit may nakabinbing kaso pa sila noong 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble