Mga ebidensiya laban kay Mayor Guo, naibigay na ng NBI sa COMELEC

Mga ebidensiya laban kay Mayor Guo, naibigay na ng NBI sa COMELEC

NAISUMITE na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga ebidensya na gagamitin sa kasong ihahain laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Bukod diyan ay tumulong na rin ang Department of Justice (DOJ) sa ikinakasang pagsasampa ng kaso at inaasahang magbibigay ng mga karagdagang dokumento ang Office of the Solicitor General (OSG).

Samantala, patuloy pa rin ang ugnayan ng piskalya ng Maynila at COMELEC para sa pangangalap ng karagdagan pang mga ebidensiya sa pamamagitan ng fact finding investigation.

Kapag natapos naman ang pangangalap ng mga ebidensiya ay binigyan muna ng pagkakataon si Mayor Guo na makapagpaliwanag.

Nauna diyan ay iniutos ni Comelec Chairman George Garcia sa kanilang law department na imbestigahan ang naging kandidatura ni Guo noong 2022 elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble