Mga empleyado at kliyente ng LTO, sinurpresa ngayong Araw ng mga Puso

Mga empleyado at kliyente ng LTO, sinurpresa ngayong Araw ng mga Puso

PASADO alas-11 ng umaga nang surpresang nag-ikot si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II sa mga opisina ng tanggapan sa Quezon City.

Bitbit lang naman ni Mendoza ang mga namumukadkad na mapupulang rosas na sinabayan pa ng mamahaling tsokolate na handog niya sa mga empleyado ng kanilang tanggapan.

Bukod sa mga empleyado, tumanggap din ang mga kliyente na ang habol lamang ay transaksiyon sa ahensiya.

Isa sa mga nagulat nang mabigyan ng tsokolate at bulaklak ang kliyenteng si Joy.

Hindi pa aniya nakatanggap ng bulaklak si Ate Lily mula sa kaniyang pamilya ngayong araw ng mga puso.

Ang pamamahagi nito ng bulaklak at tsokolate ay nais lamang pasayahin ang mga kababayan sa kabila ng problemang kinakaharap sa buhay.

‘‘Show of appreciation na rin sa trabaho nila, we take advantage of this visitation para makapagbigay lamang ng bulaklak at tsokolate more to show the appreciation sa trabahong ginagawa nila,’’ ayon kay Asec. Vigor Mendoza II Chief, LTO.

‘‘Para naman ngumiti-ngiti dahil kita mo seryosong-seryoso,’’ dagdag pa nito.

Mga dokumento para sa planong gov’t-to-gov’t procurement para sa pagbili ng plastic card para sa lisensiya, isinasapinal pa ng LTO

Samantala, isinasapinal na lamang ng LTO ang kinakailangan pang dokumento para sa planong government to government procurement para sa pagbili ng plastic cards para gamitin sa lisensiya.

Ngayong Miyerkules ay target nila itong makumpleto at maibigay ang dokumento kay Transportation Secretary Jaime Bautista dahil dadaan pa ito sa masusing pag-aaral.

Sa ngayon, mayroon pang libu-libong cards para sa driver’s license ang handang ipamahagi sa mga aplikante.

‘‘Mayroon pa, mayroon pa tayong higit 1,000. Ang nagyayari ngayon ‘yung mga nagre-renew hindi muna kinukuha ‘yung lisensya nila or ‘yung iba naman ay expired na ‘yung lisensya nila alam naman nila automatic extension po ‘yan kaya hindi na muna pumupunta rito,’’ ayon pa kay Asec. Mendoza.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble