Mga employer na hindi nagbabayad ng contribution, muling kinalampag ng SSS

Mga employer na hindi nagbabayad ng contribution, muling kinalampag ng SSS

NAG-ikot sa siyudad ng Makati at Manila ang ilang opisyal ng SSS upang paalalahanan ang mga mga employer sa kanilang obligasyon na bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ito’y sa ilalim pa rin ng patuloy na isinasagawang ‘Run After Contribution Evaders’ (RACE) activities.

Sa isang pulong balitaan sinabi ni Jesusa Casimiro ang branch head III ng Makati Gil Puyat ng SSS, tinatayang nasa mahigit P5-M halaga ang inaasahang contribution na dapat bayaran ng anim na employers na binisita nito sa lungsod ng Makati.

Sa ngayon ang lungsod ng Makati ay mayroong naitalang halos 8,000 libo ang active employers habang higit 600 employers ang may kakulangan pa sa kanilang pagbabayad ng kontribusyon.

Nilinaw naman ng mga opisyal na ginagawa nila ang RACE operation sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kompanya para muling paalalahanan ang mga employers ng pagbabayad ng kanilang SSS contribution.

Pero may mga programa naman ang naturang ahensiya sa mga employer na nahihirapan magbayad sa kanilang contribution dahil karamihan sa mga ito ay apektado ng pandemya.

Samantala, ngayong araw sa Ermita, Manila naman pumunta ang SSS NCR West Division para kalampagin ang mga employer na hindi nagbabayad ng kontribusyon sa ilalim pa rin ng RACE ng SSS.

Ang partikular na klinika na ito ay isa sa mga kinalampag ng SSS dahil sa laki ng balanse.

Mayroon na rin itong demand letter mula sa SSS at mayroon ding complainant mula sa isang empleyado nito.

Mula 1997-2022 ay mayroon itong mahigit P5-M balanse sa kontribusyon kasama na ang penalty.

Babala ng SSS sa sinumang employer na nakatanggap na ng demand letter, makipagtulungan na lamang kung ayaw nilang makasuhan.

Maliban dito ay kinalampag din ng SSS ang mga maliliiit na employer katulad ng maliliit na tindahan.

Ang iba kasi sa mga ito ay hindi pa rehistrado sa SSS.

Ayon sa SSS, maliit man o malaki ang negosyo kailangang magparehistro at magbayad ng kontribusyon.

Hindi naman nahirapan ang mga SSS sa kanilang operasyon dito sa Manila dahil karamihan sa mga binisita ng SSS ay compliant naman.

Para naman sa SSS Manila, epektibo ang kanilang Race activity, sa una kasing Race na ginanap sa Maynila noong buwan ng Abril ay tumaas ang koleksyon ng SSS.

Ang RACE operation na ginawa ngayong araw ay nasa ika-29 sa buong NCR habang nasa ika-134 namang kabuuang bilang sa buong Pilipinas.

 

Follow SMNI News on Twitter