Mga eroplanong magsasagawa ng Maritime Patrol sa West Philippine Sea, handang alalayan ng Philippine Air Force

Mga eroplanong magsasagawa ng Maritime Patrol sa West Philippine Sea, handang alalayan ng Philippine Air Force

WALA namang nakikitang problema ang Philippine Air Force (PAF) sa mga eroplanong nais magsagawa ng Maritime Patrol sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ito ang tinuran ni Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo.

Aniya, handa silang umalalay sa anumang maritime patrols sa WPS pero depende rin sa desisyon ng nakatataas nilang opisyal.

Una na kasing nagkaroon ng insidente sa WPS kung saan nalagay anila sa alanganin ang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang naidokumento ang paglapit ng isang helicopter ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China habang nagsasagawa ang Pilipinas ng maritime domain awareness activity sa WPS.

Kabilang naman sa maaaring gamiting escort ng Air Force ay ang FA-50PH light jet fighters at A-29B Super Tucano attack aircraft.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble