Mga establisimyento at opisina, hinikayat na kumuha na ng Safety Seals

Mga establisimyento at opisina, hinikayat na kumuha na ng Safety Seals

HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga establisimyento at opisina na kumuha ng kanilang Safety Seal Certifications.

Ayon sa DILG hindi mandatory ang pagkakaroon ng Safety Seal ngunit ito ang palatandaan na nasusunod ng mga establisyimento o opisina ang minimum public standards.

Layunin ng pagkakaroon ng Safety Seal  na matiyak ang kaligtasan ng publiko pagpunta man sa mga pamilihan o sa iba’t ibang tanggapan.

Voluntary ang pagkuha ng Safety Seal pero panawagan ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na makatutulong ito sa mga establisimyento upang dumami ang kanilang mga kostumer.

“Though it is not mandatory, it is highly encouraged since it will help them assure their consumers and themselves that they are compliant with minimum public health standards set by the government,” ayon kay Malaya.

Dagdag ni Malaya, maliban sa ito ay magsisilbing ‘badge of honor’, mabibigyan rin ang mga establisimyento at opisina na may Safety Seal ng karadagang sampung porsyento na venue capacity.

Kabilang sa mga kakailanganin sa pagkuha ng Safety Seal certification ang mayor’s permit, StaySafe QR code, pagkakaroon ng mga establisimyento at opisina ng hand washing stations, sapat na air ventilation at iba pa.

Valid naman hanggang anim na buwan ang mga Safety Seal.

Paliwanag ng Interior Undersecreatry, ang DILG ang nagse-certify ng mga ahensya ng gobyerno lokal man o nasyonal  habang ang mga LGU nakatutok sa mga nasasakupan nilang establisimyento.

Sa ipinakitang datos ni Malaya, hanggang Pebrero 8, 2022, mahigit 99,000 applications ang natanggap ng DILG at ng local government units (LGUs) para sa safety seal kung saan lampas 59,000 na dito ang aprubado.

Mahigit 19,000  government offices ang inaprubahan ng DILG habang lampas 40,000 establishments ang pinahintulutan ng LGU.

Saad ni Malaya, mas maraming DILG-issued Safety Seals sa Region I, sunod ang National Capital Region, at Region 5.

Sa kabilang banda, ang mga LGU-issued Safety Seals naman ay mataas sa NCR, Region 7 at Region 4-A.

Follow SMNI News on Twitter