Mga hinukay na septic tanks sa BuCor, walang kalansay ng tao

Mga hinukay na septic tanks sa BuCor, walang kalansay ng tao

KINUMPIRMA ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang nakitang mga bangkay ng tao o human remains sa lahat ng septic tanks sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang na ito ang resulta ng examination na ginawa ng mga forensic experts ng University of the Philippines mula sa mga laman na narekober sa mga septic tank sa piitan.

Isinagawa ang naturang eksaminasyon ng pagsusuri matapos inatasan ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang UP forensics team sa hearing noong Martes na magsumite ng kopya ng resulta ng pagsusuri.

Kaugnay niyan ay naisumite na rin ng BuCor sa Senado at sa DOJ ang resulta ng forensic analysis na pinagtulungang sinuri ng UP at ng National Bureau of Investigation.

Nauna diyan ay hininalang sa septic tank itinapon ang bangkay ng nawawalang bilanggo na si Michael Catarroja na kalaunan ay nadiskubreng tumakas pala pero naaresto sa Angono Rizal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble