Mga ID na pwedeng gamitin para sa SIM registration, iminungkahi

Mga ID na pwedeng gamitin para sa SIM registration, iminungkahi

NANAWAGAN si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa national government na hayaan ang ibang identification documents na gamitin para sa SIM registration.

Ayon kay Co, marami sa mga Pinoy ang may problema sa ID na gagamitin para sa SIM registration dahilan kaya marami ang hindi makapag-parehistro.

Mungkahi ng mambabatas na chairman ngayon ng House Committee on Appropriations, gamitin ang mga sumusunod na IDs para sa SIM registration:

  1. Barangay Residence Certification with picture and barcode;
  2. Vaccination Card with QR Code;
  3. Filed latest BIR Income Tax Return;
  4. School ID with picture and student number;
  5. 4Ps ATM Card with card number;
  6. DSWD Social Amelioration Card with barcode;
  7. DOLE CAMP identification card; and
  8. PhilSys National ID physical card or electronic card.

Ang mga nabanggit na ID ay verifiable ani Co at posibleng magkaroon ng working arrangements ang mga telco sa mga subscriber para kumpirmahin ang identity ng SIM owner.

Nauna nang nanawagan ang Kamara na palawigin pa ang SIM registration deadline para maiwasan ang ‘disenfranchisement’ ng nakararami sa serbisyo ng telco.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter