MAAARING makatutulong sa bansa ang muling pagpapalawig ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Subalit para kay Aaron Jed Rabena, International Political Analyst at Research Fellow ng Asia Pacific Pathways to Progress, mas mainam pa rin kung tingnan muna ng bansa kung ano ang naging resulta ng naunang EDCA sites sa bansa.
Iminungkahi na rin ni Rabena na kung maaari, dagdagan sana ng Estados Unidos ang military aid nito sa bansa.
Ipinunto pa ni Rabena na ngayong pupunta sa Washington si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay mainam kung magkaroon ng mas malakas na ugnayang pang-ekonomiya ang Estados Unidos at Pilipinas.
Una na ring sinabi ni Senator Imee Marcos na sobrang mapagbigay ang pamahalaan sa Estados Unidos.
Giit ni Rabena, nakahandang tumulong ang mga Pilipino sakaling kukulangin ng tauhan ang mga EDCA site pero ang Estados Unidos naman ay hanggang exposure lang ang mga ibinibidang modernong kagamitan tuwing Balikatan sa mga sundalong Pilipino.
