HINDI matitinag ang suporta ng mga Ilonggo para kay Pastor Apollo C. Quiboloy!
Sa katunayan, marami sa kanila ang aktibong nanghihikayat sa kapwa Ilonggo na iboto siya sa darating na halalan, dahil naniniwala silang siya ang susi sa tunay na pagbabago ng bansa.
Pebrero 11, 2025—opisyal nang nagpakilala sa publiko ang mga kandidato sa pagkasenador para sa darating na midterm elections, kabilang na rito si Pastor Apollo.
Bagama’t hindi siya nakadalo nang personal sa kaniyang proclamation rally, ramdam ang init ng suporta mula sa iba’t ibang panig ng bansa—mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa Western Visayas, nagpakita ng matinding suporta ang ating mga kababayang Ilonggo, na tiwala sa kaniyang kakayahan at plataporma.
Isa sa kanila si Aling Tessy, na bagama’t hindi miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ay buo ang paniniwala na si Pastor Quiboloy ang tanging sagot sa problema ng korapsiyon sa bansa.
“Kasi po, suportahan naton si Pastor Quiboloy. Kasi honest siya na Pastor kasi mawawala na ang lahat ng kurap sa candidacy kung si Pastor ang ating bobotohin sa Senado. Because very honest, I love you Pastor!” pahayag ni Tessy.
Ganoon din ang paninindigan ni Manong Hernani, na naniniwalang si Pastor Apollo ang nag-iisang kandidatong kayang burahin ang korapsiyon at kriminalidad sa bansa.
“Ako, gusto ko na si Pastor ang manalo sa pagkasenador. Suportahan natin para mawala ang kurapsyon mawala ang kriminal, mawala ang shabu mawala ang carnaping mga drugs, mawala ang mga kriminal lahat mawala,” ayon naman kay Hernani.
“Si Pastor ang number 1 sa lahat na aking kilala. Si Pastor ang aking itinataas!” aniya pa.
Samantala, buo rin ang suporta ni Rich Piad, Secretary General ng PDP Western Visayas, sa kandidatura ni Pastor Quiboloy.
Ayon kay Piad, ang plataporma ni Pastor ay makakapagdala ng tunay na pagbabago sa bansa, lalo na ang kaniyang mga world-class na programa para sa progresibong Pilipinas.
“Nakikita ko kasi sa kanyang plataporma, malaking bagay po ito ‘pag naisatupad natin dito sa ating bansa. Lalo na ang kanyang programa—high-tech, world-class—isang tunay na solusyon para sa progresibong Pilipinas,” ani Rich Piad.
Dismayado rin aniya ang mga Ilonggo sa laganap na korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.
“Ang nangyayari sa ating bansa ngayon, mas marami pong mga nanginginabang na politiko kaysa sa mga mamamayang Pilipino. Kaya kailangan natin pagtuunan ng pansin itong lumalalang problema,” dagdag ni Piad.
Para sa kaniya, ang ‘Zero Corruption’ policy ni Pastor Quiboloy ang magiging solusyon sa krisis ng bansa.
“Yes, naniniwala po ako. I strongly believe in his platform of Zero Corruption. Napakalalim ng kanyang vision, at kung maisasakatuparan ito, magiging number 1 tayo sa buong mundo!” aniya.
Mensahe ng mga Ilonggo sa bayan
“Sa lahat ng botante ng First District, mahal natin ang bayan natin, mahal natin ang Pilipinas! Tulungan natin si Pastor Quiboloy at ang buong puwersa ng PDP-Laban!” wika ni Vic Tabaquirao, Congressional Candidate, 1st District, Iloilo.
“Suportahan natin si Pastor Apollo Quiboloy! Zero Corruption na kailangan natin sa Pilipinas! maraming salamat!” saad ni Maria Theressa.
“Ang message ko sa lahat ng kapwa ko Ilonggo—bigyan natin ng pansin na may Pastor Quiboloy na handang magbigay ng pag-asa sa bawat Pilipino! Siya ay isang very qualified candidate for the Senate, kaya para sa akin, I endorse Pastor Quiboloy!” dagdag ni Piad.
Sa ginanap na proclamation rally sa Iloilo, nakausap natin ang ilang VIP na dumalo sa aktibidad. Ayon sa kanila, handa silang tumulong sa pagbibigay ng venue sakaling magkaroon ng campaign rally si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Iloilo.