Mga indibidwal na apektado ng matinding init ng panahon, tumaas pa—NDRRMC

Mga indibidwal na apektado ng matinding init ng panahon, tumaas pa—NDRRMC

TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), mahigit isang milyon at pitong raan na indibidwal na o katumbas ng mahigit 222,800 na pamilya ang lubhang naapektuhan ng El Niño.

Mula sa nasabing bilang, karamihan ay mula sa MIMAROPA, sa probinsiya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Romblon; sa Region 6, at sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaraz, Iloilo, at Negros Occidental.

May naitala rin sa Region 9, Region 12, at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa nasabing limang rehiyon, mahigit 1,385 siyudad o munisipalidad ang apektado ng matinding init ng panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble