NANANAWAGAN ang Department of Justice (DOJ) sa mga internet service provider at mga social media platform na sana’y mas palakasin ang safeguard mechanisms para maiwasan at malabanan ang online sexual abuse or exploitation of children.
Ipinaliwanag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na dapat ay pagbutihin ng internet intermediaries ang age verification systems at content moderation filters nito at gawing user-friendly ang reporting mechanisms sa ganitong uri ng mga insidente.
Ang mga online platform aniya ang may pinakamalaking papel o partisipasyon para mapigilan ang mga pag-abuso online sa mga bata dahil ito ang ginagamit ng mga salarin sa kanilang krimen.
Iginiit ng DOJ na kung mabibigo aniya ang mga ito na makasunod sa mga alituntunin ay maaari na silang patawan ng parusa.