Mga kabataan ng Valencia City, Bukidnon: No to vote-buying

Mga kabataan ng Valencia City, Bukidnon: No to vote-buying

NAGTIPON-tipon ang mga lider ng iba’t ibang youth organizations sa lungsod ng Valencia City, Bukidnon upang itaas ang kamalayan tungkol sa kanilang karapatan, partisipasyon, at kapangyarihan sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa—para sa kapakanan ng kanilang sektor at ng buong sambayanan.

Binigyang-diin naman ni Denver Pagonzaga, founder at organizer ng Youth Reformative Movement, na layunin ng kanilang grupo na hindi madiktahan ang desisyon ng mga kabataan sa pagboto, lalo na sa pamamagitan ng vote-buying.

Isa sa mga naging panauhing tagapagsalita sa naturang aktibidad si Carlo Catiil, representante at political officer ng senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kilala si Pastor Quiboloy sa kaniyang mga programa para sa kapakanan ng kabataan, na layuning ilayo sila sa bisyo, recruitment ng mga makakaliwang grupo, at sa pagbibigay ng libreng edukasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble