MALAKING demand sa mga materyales para sa konstruksiyon sa Mindanao matutugunan na ng kauna-unahang construction hub na binuksan kasabay ng pagdiriwang ng ika-23rd Charter Day ng Valencia City, Bukidnon.
Taong 2001 nang inaprubahan ang Republic Act Number 8985 na nagdeklarang lungsod ang Valencia na dati ay isa lamang ito sa mga barangay ng Malaybalay City.
At simula sa pagiging bayan hanggang sa naging lungsod ang Valencia ay isa na ngayong progresibong lugar sa Northern Mindanao.
Bilang patunay sa paglago ng nasabing siyudad, ang pagbubukas ng kauna-unahang construction hub sa Mindanao na matatagpuan sa Brgy. Batangan.
Ito’y sagot sa nararanasang kakulangan ng suplay ng mga materyales sa konstruksiyon ng lalawigan.
Ayon sa may-ari ng hub na si Engr. Jerson Limocon na isa ring board member ng Philippine Institute of Construction Engineers sa bansa, malaki ang pangangailangan ng construction supplies lalo na sa Mindanao.
“Sa demand ng construction industry, alam niyo naman na ang Pilipinas ngayon ay on-going ‘yung kaniyang progress tapos maraming mga project. So, ibig sabihin pag maraming projects ‘di talaga natin maiiwasan na may mga defects. So, dito kasi sa Bukidnon ang problema namin dito is walang stable na supply ng mga products na kakailanganin sa pag-repair ng mga defects,” ayon kay Engr. Jerson Limocon Owner/Franchisee.
Ang Buildrite Hub and Sinclaire Pro Store ay kilala rin bilang kauna-unahang construction hub sa bansa na nagbibigay ng dekalidad na produkto at serbisyo sa concrete solutions na malaking tulong upang maiwasan na maging depektibo ang mga proyektong itatayo.
“I am inviting everybody specially the contractors and professionals sa Bukidnon to purchase nung mga products na kakailangan niyo po sa pag re-repair ng mga defects ng ating mga projects or ‘di lang pag-re-repair upang maiwasan po yong mga defects ng ating mga projects,” dagdag ni Engr. Limocon.
Ang dalawang linggong selebrasyon ng siyudad ng Valencia na sinimulan sa makulay na parada, pagpapakita ng iba’t ibang talento ng mga Valencianos at taunang Golden Harvest street-dancing competition ay nagtapos nitong Sabado, Enero 13 sa isang nakamamanghang fireworks display.