Mga kabataang golfer, magtutuos sa Junior Golf Showdown sa Mactan

Mga kabataang golfer, magtutuos sa Junior Golf Showdown sa Mactan

MACTAN, CEBU — Magsisimula ngayong Lunes ang ICTSI Junior PGT Visayas-Mindanao Series, tampok ang mga batang golf prodigy mula sa buong rehiyon, na magtutuos sa Mactan Island Golf Course sa isa na namang tagisan ng husay, disiplina, at lakas ng loob.

Sa girls’ 11-14 division, inaasahan ang matinding tunggalian sa pagitan ng Brittany Tamayo at Rafella Batican, ang pambato mula Bukidnon na handang ipakita na handa siyang makipagsabayan sa pinakamagagaling.

Kaabang-abang din ang performance ng iba pang rising stars gaya nina Chelsea Ogborne, Margaux Espina, Monique Tan, Daven at Davelyn Dy, at Zuri Bagaloyos.

Samantala, sa boys’ 11-14 category, sisiklab ang laban sa pagitan nina Ralph Batican at Jared Saban, kasama ang iba pang batang golfers mula sa Visayas at Mindanao na naghahangad ng prestihiyosong titulo.

Bahagi ang kompetisyon ng pitong-leg junior golf series na layuning matukoy ang pinakamahusay sa kabataang golfers ng bansa, patungo sa North vs. South Elite Junior Finals na gaganapin sa Setyembre.

Ang ICTSI Junior PGT ay patuloy na nagsisilbing breeding ground para sa susunod na henerasyon ng golf champions sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble