Mga kandidato ng midterm elections may 2 araw para makapagsumite ng SOCE

Mga kandidato ng midterm elections may 2 araw para makapagsumite ng SOCE

MAYROON na lamang hanggang Hunyo 11 o hanggang araw ng Miyerkules ang mga tumakbo noong nagdaang eleksiyon para makapagsumite ng kani-kanilang mga Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa komisyon, walo pa lang sa mga tumakbo sa pagkasenador ang nakapagsusumite ng SOCE, 16 sa party-list groups at apat na political party.

Sa lokal na posisyon, 948 pa lang ang nakapagsumite ng SOCE mula sa mahigit 41,000 na tumakbo.

Inaasahan naman ng poll body na bukas at hanggang sa Miyerkules ay bubuhos ang mga magsusumite ng report para sa kanilang mga nagastos noong eleksiyon.

Una nang sinabi ng poll body na ang mga SOCE ng mga nanalo maging ang mga natalong kandidato ay ilalathala nila sa official website ng COMELEC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble