Mga kandidatong mananalo sa 2023 BSKE, dapat gawing prayoridad ang national security—FPRRD

Mga kandidatong mananalo sa 2023 BSKE, dapat gawing prayoridad ang national security—FPRRD

KALIWA’T kanan na ang mga nakapaskil na mga poster at banner ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

Ito ang palatandaan na nagsimula na ang panahon ng pangangampanya para sa BSKE.

Ang campaign period ay nagsimula araw ng Huwebes, Oktubre 19 at matatapos ito hanggang sa araw ng Sabado, Oktubre 28.  Mayroong 10 araw ang mga kandidato na mangampanya.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), mayroong mahigit 1M kandidato ang tumatakbo ngayon para sa posisyon sa barangay na may pangakong pagbabago sa kanilang barangay.

Si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang programang Gikan sa Masa, Para sa Masa, inihayag na national security ang dapat isipin ng mga mananalong BSKE candidates.

“Without national security we cannot survived. Kung nandiyan kayo. ‘Yong mga bata hindi maimpluwensyahan,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Mga bata sa barangay hindi dapat ma-brainwash ng mga komunista—FPRRD

Binigyang-diin din ng dating Pangulo na hindi dapat ma-brainwash ang mga bata sa barangay ng mga komunista.

Samantala, ngayong araw ay magsasagawa ng Operation Baklas ang COMELEC laban sa mga poster at iba pang campaign materials na sobra ang sukat sa itinakda ng COMELEC.

Nagpatawag din ng pulong si COMELEC chair Atty. George Garcia para sa isang pre final assessment ng kanilang mga paghahanda para sa BSKE na mangyayari sa Oktubre 30.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter