BAGAMAT sinabi ng PNP na nasa 40-50% pa lamang ng kanilang operasyon ang natatapos, marami sa mga kapulisan ang walang ginagawa at ang ilan pa ay naglalaro ng basketball sa Sky Gym ng Jose Maria College (JMC).
Nasa 3,000 na ang mga kapulisan sa compound ngunit ang ilan ay tila nagbabakasyon lang, natutulog o nagpapalipas-oras, na nagreresulta sa malinaw na pagapapaliban ng hustisya.