PLANO ng Department of Agriculture (DA) na idiretso ang mga karneng baboy sa Food Terminal Inc. at Kadiwa upang maiwasan ang mataas na presyo.
Ididiretso na lang sa Food Terminal Incorporated (FTI) maging sa Kadiwa ng Pangulo ang mga karneng baboy.
Ito ang plano ng DA upang maiwasan ang mataas na presyo nito.
Para mabawasan na rin ang dinadaanan ng mga karne mula sa farm hanggang sa palengke.
Sa kabilang banda, mas lalo pang bumaba ang bilang ng mga lugar sa bansa na apektado ng African Swine Fever.
Mula sa 66 na ASF-infected areas noong huling bahagi ng Pebrero ay nasa 39 na lang ito batay sa datos ng Bureau of Animal Industry hanggang noong Marso 14, 2025.