MAYROONG katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw, Martes, Pebrero 11.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil, at Caltex, matatapyasan ng P0.10 ang kada litro ng kanilang gasolina at diesel.
Habang P0.30 naman ang bawas-presyo sa kanilang kerosene.
May kaparehong bawas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang naturang oil price rollback alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magsisimula alas-8:01 ng umaga.
Follow SMNI News on Rumble