Mga korap na opisyal, balakid sa food security ng bansa—Pastor ACQ

Mga korap na opisyal, balakid sa food security ng bansa—Pastor ACQ

DAHIL sa mga taong gahaman at mga korap, ang sektor ng agrikultura at ang mga lokal na magsasaka ang naaapektuhan dito kung kaya’t napipilitan ang ating pamahalaan na mag-angkat ng bigas sa ibang mga bansa.

Ito ang naging mensahe ni Pastor Apollo sa kaniyang programang Give Us This Day, Huwebes Agosto 10 kaugnay sa usapin ng food security sa bansa.

Kasunod ng pagkabahala ng ilang agricultural groups sa posibleng pagkakaroon ng rice shortage ng bansa sa mga susunod na buwan.

Sinabi pa ni Pastor Apollo, kung hindi sana korap at hindi pansariling interest ang iniisip ng ilang nasa ahensiya ng pamahalaan ay magiging maganda ang takbo ng ating bansa.

Sa huli, sinabi naman ng butihing Pastor na naniniwala siyang ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang tiyakin na may supply ng bigas at alam ng Pangulo ng bansa kung paano ito reresolbahin.

Follow SMNI NEWS on Twitter