IPINAG-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gen. Gregorio Catapang sa mga inmate na sirain na nila ang kanilang mga kubol sa loob ng mga kulungan.
Magsisimula ang pagsisira ng mga kubol sa diversified maintenance unit ngayong araw, Agosto 21.
Ang pagsira ng kubol o makeshift dividers ay makakatulong sa BuCor ayon kay Catapang para mas madali ang pagkumpiska ng mga kontrabando ng PDLs.
Ang kubol ay madalas na gumagamit ng plywood at ginawa mismo ng PDLs para magkaroon ng privacy o pagbibigay ng space para sa iba.
Paglilinaw ni Catapang, hindi naman ito mga kubol ng mayayamang PDL gaya sa mga nakita noong nakaraang mga administrasyon.
Samantala ang sinumang makitaan ng kontrabando kahit pa boluntaryo na itong ipinapa-surrender ng BuCor ay mananatili pa sa Bilibid ng mas matagal dahil sasampahan sila ng karagdagang kaso.