Mga labi ng mga nasawi sa bumagsak na Air India plane ibibigay na sa mga kamag-anak

Mga labi ng mga nasawi sa bumagsak na Air India plane ibibigay na sa mga kamag-anak

SINIMULAN na ng mga awtoridad ang pag-turn over ng mga labi ng mga biktima mula sa bumagsak na eroplano ng Air India.

Ito’y matapos ginawa ang DNA testing sa mga pamilya at biktima ng plane crash dahil karamihan sa mga katawan ay lubhang nasunog at hindi na makilala.

Kasabay ng imbestigasyon ay nagtayo rin ang India ng high-level committee upang imbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Matatandaang hindi bababa sa 270 katao ang nasawi mula sa naturang insidente noong Hunyo 12, 2025.

Ang Boeing 787 na patungo sanang London ay bumangga sa isang hostel ng medical college sa isang residential area sa Ahmedabad ilang minuto matapos ang kanilang pag-takeoff.

Isang pasahero lang ang nakaligtas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble