Mga lalaking nasa video ng umano’y pinilit na isinama sa prayer rally ng KOJC, inamin na ang vlogger na si Niño Barzaga ang utak ng fake news

Mga lalaking nasa video ng umano’y pinilit na isinama sa prayer rally ng KOJC, inamin na ang vlogger na si Niño Barzaga ang utak ng fake news

NATUNTON mismo ng SMNI News ang kinaroroonan ng ilang indibidwal na nasa video ng umano’y pinilit na isinama sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Marso 4 araw ng Lunes.

Ayon kay alyas Marvin hindi niya tunay na pangalan, lumapit sa kanila ang vlogger na si Niño Barzaga at idinikta ang kung ano ang kanilang sasabihin.

Ayon naman kay alyas Lester, hindi nila alam na ia-upload pala ni Barzaga sa social media at ginawang content ang ni-record na video.

Tungkol naman sa puting t-shirt, inamin ni alyas Jr na galing ito kay Barzaga na ginamit nila, aniya dalawang piraso lang ito at salit-salitan nila itong ginamit.

Para naman kay alyas Michael, nasa lampas 10 katao sila na na-recruit at ginamit ni Barzaga sa kaniyang fake news.

Ang mga nabanggit na indibidwal ay pawang homeless at naglalatag lang ng karton sa Liwasang Bonifacio at dahil sa hirap kaya nila tinanggap ang P100 na alok ni Niño Barzaga kapalit ng gawa-gawang istorya.

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na maaaring sampahan ng kaso si Barzaga at ilang vloggers na nagpakalat ng maling impormasyon laban sa KOJC at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble