NAGPASALAMAT ang Philippine National Police (PNP) sa mga local government unit (LGU) sa pagdedeklara sa Hunyo 30 bilang special non-working holiday.
Ito ay para bigyang-daan ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang dito ang lungsod ng Maynila, Pasay, Navotas, at San Juan.
Ayon kay PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon, inaasahan nila na mababawasan ang bilang ng mga sasakyan at commuters sa mga kalsada dahil sa deklarasyon ng mga LGU.
Nabatid na nagpatupad ng road closures at rerouting schemes upang matiyak ang seguridad ng inagurasyon ni President-elect Marcos.
Mahigit 15,000 pulis, sundalo, tauhan ng coast guard, at force multipliers ang magbantay sa aktibidad at sa mga panauhin.