Mga lugar na apektado ng droga sa NegOr, 37 barangay na lang

Mga lugar na apektado ng droga sa NegOr, 37 barangay na lang

SA malawakang kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Negros Oriental ay aabot sa 40 barangay sa probinsiya ang idineklarang drug-free o kumpirmadong wala nang kalakaran ng ilegal na droga nitong Martes, Nobyembre 14.

Ito ang pahayag ni PDEA-Negros Oriental Provincial Chief Jane Tuadles sa ginanap na Kapihan PIA Forum, malaki ang naging tulong ng kanilang mga isinagawang all-out campaign katuwang ang local government units (LGUs), PDEA, Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang opisyal ng barangay para malutas ang problema sa droga sa buong lalawigan.

Sa datos ng PDEA, nagsimula ang barangay drug clearing operations noong 2017, kung saan mayroong humigit-kumulang 94% affectation o 527 barangays sa probinsiya ang apektado ng problema sa ilegal na droga.

Sa kasalukuyan, tanging 37 na lamang sa 557 mga barangay sa Negros Oriental ang nanatiling apektado ng ipinagbabawal na gamot.

“Mula sa simula ng barangay drug clearing operations noong 2017, mayroon tayong humigit-kumulang 94% affectation o 527 barangays sa probinsiya ang apektado ng problema sa ilegal na droga,” ayon kay Provincial Chief Jane Tuadles, PDEA-Negros Oriental.

Si Fernando Martinez ang nangunguna sa Provincial Anti-Drug Abuse Council at sinabi niya sa parehong forum na may iba pang mga lokal na pamahalaan, tulad ng Sta. Catalina, Canlaon City, at Pamplona na ngayon ay itinuturing na prayoridad na ideklara bilang malaya sa droga.

Dagdag pa ni Martinez, malaking pagbabago ang naihatid ng nakaraang administrasyong Duterte sa pagpuksa ng gobyerno laban sa ilegal na droga at patunay rito ang magandang epekto nito lalo na sa lalawigan ng Negros Oriental.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble