TAONG 2002 nang itatag ang Jose Maria College na may layuning maghatid ng dekalidad na edukasyon—isang adhikaing pinangunahan mismo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa loob ng dalawang dekada, patuloy ang pag-unlad ng paaralan at ang sunod-sunod na pagkamit nito ng mga karangalan, bitbit ang ACQ Brand of Education: Assured, Consistent, Quality.
Isa si Angela Masangkay sa mga estudyanteng pinarangalan sa ginanap na Recognition Day ng JMCFI. Labing isang taon na siyang nag-aaral dito—mula elementarya hanggang senior high school.
Bagaman hindi miyembro ng KOJC, lubos ang kaniyang pasasalamat kay Pastor Quiboloy sa pagbubukas ng JMCFI para sa lahat, anuman ang pananampalataya.
“JMCFI and especially our President Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy helped me and my fellow JMarians by opening opportunities and giving us spaces to express ourselves freely and engage in our interests… It’s open for everyone… regardless of background, social status, and religious belief,” saad ni Angela Nicole Masangkay, Senior High School Student.
Isa pa sa mga pinarangalan ay si Rod Lester Gallardo sa larangan ng campus journalism. Hindi rin siya nakalimot magpasalamat sa taong nagbigay ng oportunidad sa kanila.
“He’s very charitable. He gave us an opportunity… free education for those in public and discounts for those from private schools. He’s a very kind man,” ayon kay Rod Lester Gallardo, Senior High School Student.
Grade 11 Scholars ng JMCFI kay Pastor Apollo C. Quiboloy: Salamat sa libreng edukasyon
Samantala, ilan sa mga iskolar na libreng pinapaaral sa JMCFI ang nag-alay ng kanilang mga karangalan kay Pastor Quiboloy.
“Pastor, kining mga awards nga akong nadawat, Pastor, ako gyud ni ginahalad kanimo. We love you and we miss you, Pastor. Ingat always. See you soon,” ani Blessy Apostolero.
“Pastor, salamat kaayo kay wala gyud ka nagkulang sa akoa. Kung wala ka, Pastor, dili gyud ko makadawat og awards. Kining tanan akong ginahalad sa imoha. We love you and we miss you,” ayon kay Stephanie Magdua.
“I’m so much grateful for this great privilege of being a GOEF scholar. Thank you for the education, Pang. Salamat beyond words. All of these achievements, para po sa inyo. We love and miss you,” wika ni Rhea Revelo.
“I would like to express my deepest gratitude to our Founding President Rev. Dr. PACQ. Thank you for your unconditional love and guidance. We love you and we miss you, Pang,” ayon kay Nathaniel Fernandez.
Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang mga magulang ng mga Gift of Education scholars.
“Hello Pastor. Dako kaayo akong pasalamat sa higayon nga imong gihatag sa akong anak nga makaeskwela sa JMC, libre gyud, full scholar. Daghang salamat, Pastor. We love you and we miss you,” ani Juliet Apostolero, Parent.
Ilan lamang sila sa mga milyun-milyong kabataang natulungan ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Ang kaniyang adbokasiya sa edukasyon ay patuloy na nagbibigay pag-asa at inspirasyon—anuman ang relihiyon o estado sa buhay.
Ang mga katulad nina Angela at Rod ay patunay na ang pagtulong sa kabataan ay walang pinipiling panig—ito’y para sa lahat.
Isa rin ang dekalidad na edukasyon sa mga pangunahing plataporma ni Pastor Quiboloy sa kaniyang pagtakbo sa Senado, kalakip ng iba pang programang naglalayong maghatid ginhawa sa bawat Pilipino.
“Pastor, itong mga award na natanggap namin ay buong puso naming iniaalay sa inyo. Maraming salamat po, Pastor,” pasasalamat ng mga scholar.