DAPAT maghanda na rin ang mga magsasaka upang malimitahan ang epekto ng Bagyong Odette sa kanilang mga pananim ayon sa Department of Agriculture (DA).
Pinayuhan ng ahensiya ang mga magsasaka na aanihin na ang pwede nang anihing mga pananim tulad ng palay at iba pang agricultural products habang papalapit pa lang ang Bagyong Odette.
Bubuksan at maaari nang gamitin ng mga magsasaka ang post-harvest facilities upang doon iimbak ang mga naaning palay at iba pang agricultural products.
Kung magagawa umano ay kumuha na o magtago na ng mga reserbang binhi bilang pamalit sa mga masisirang pananim.
Kung kinakailangan, ilikas na rin sa mataas na lugar ang mga alagang hayop maging ang mga ginagamit na machineries at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
Payo pa ng DA na dapat na rin ayusin at linisin hanggat maaga pa ang mga kanal sa sakahan at daanan ng irigasyon upang mapigilan ang pagbaha sa palayan.
Pinapayuhan din ng mga mangingisda na magsagawa na ng early harvest at imobilisa na ang post harvest facilities at iangat na rin ang mga ginagamit na bangka sa mataas na lugar.
Sa kasalukuyan, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa Visayas at CARAGA Region na maging alerto sa papalapit na Bagyong Odette.