Mga makakaliwa, pahiya sa mga Duterte supporter sa Quezon City

Mga makakaliwa, pahiya sa mga Duterte supporter sa Quezon City

BUHAY na buhay na naman ang dugo ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte nang magpang-abot ang mga ito at makakaliwa.

Napuno ng kantyaw at sigaw si ACT-Teachers Rep. France Castro mula sa mga anti CPP-NPA-NDF, mga supporter ni dating Pangulong Duterte.

Ganito sinalubong si Castro pagbaba nito ng sasakyan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kaya ang mga makakaliwang miyembro ng ACT-Teachers, pahiya sa mga taga supporter ni FPRRD.

Maaga ang mga supporter sa labas ng Quezon City Prosecutor’s Office bilang suporta sa paghahain ng counter affidavit ng kampo ng dating Presidente.

Sagot ito sa reklamong isinampa ng makakaliwang si Castro laban sa dating Pangulo.

Kaya umaga pa lang, hataw na sa mini-rally ang Die Hard Duterte Supporters.

Ang iba sa kanila, mula pa ng Visayas at Mindanao.

Bitbit naman ng grupo ang mga plackard na may katagang protect Sara.

Lalo na’t matindi ang mga pamumulitika ngayon kay Vice President Sara Duterte.

“Nandito lang kami para sa pagbigay ng suporta sa dating Pangulong Rodrigo Duterte doon sa hinain na kaso laban sa kaniya,” ayon kay Vivian Velez, Duterte Supporter.

“Hinahangaan ko siya noon pa, ikinampanya ko siya,” ayon naman kay Elizabeth Oropesa, Duterte Supporter.

Ngayon lang uli’t nagkaroon ng paggalaw ang Duterte supporters.

Saad ng grupo, milyon-milyon sila sa buong Pilipinas na nagmamasid sa performance ng kasalukuyang pamahalaan.

At ngayong may pitik ang dating Pangulo sa paggasta ng pera sa Kamara ay ‘open the books’ ang hamon nila sa mga kongresista.

Duterte supporters, hinamon ang Kamara na isapubliko ang paggasta sa pera ng bayan

“So, bilang public servant, karapatan naming malaman saan mapupunta ang pera ng kaban ng bayan,” saad ni Dhan Chan, Vlogger na Duterte Supporter.

“Siguro, sina-sound off lang nila ‘yung panawagan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng transparency sa gobyerno,” ayon kay Atty. Jing Paras, Duterte Political Adviser.

Umaasa ang supporters na hindi patitinag ang dating Pangulo sa pambibira ng makakaliwa.

Buo rin anila ang suporta nila kay VP Sara, anuman ang mangyari.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble