Mga Maranao sa Davao City, tinawag na religious persecution ang ginagawa ng pamahalaan sa KOJC

Mga Maranao sa Davao City, tinawag na religious persecution ang ginagawa ng pamahalaan sa KOJC

MAY reaksiyon ngayon ang mga kababayan nating Muslim sa Davao City kaugnay sa panggigipit ng Marcos Jr. administration sa the Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

“’Yun ang sa tingin ko hina-harass nila ‘yung religious group na anytime hulihin nila dahil nasa kamay nila ang batas,” ayon kay wika ni Randy Usman, Former Maranao Deputy Mayor.

Iyan ang komento ni Randy Usman, ang dating representante ng Tribo Maranao sa pamahalaang pansiyudad ng Davao.

Ngayon, ang anak ni Usman ang Deputy Mayor ng tribo.

Nitong Miyerkules, nagtipun-tipon ang deputy mayors ng 11 tribo ng siyudad para magpahayag ng suporta sa mga Duterte.

Kasabay na diyan ang suporta nila sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na subject ngayon ng matinding surveillance ng pamahalaan ni Marcos Jr.

Ayon kay Usman, malinaw na religious persecution ang ginagawa sa KOJC—bagay na nakakaapekto rin sa kanilang mga Muslim.

“Yes, kasi alam naman nila na ‘yang religious group na—ang KOJC is a religious group na separate of state man ‘yan. Hindi pwede hulihin ‘yan. Kaya dapat alamin muna nila ang batas kung tama ba ang gagawin nila,” ani Usman.

Ginagarantiya ng section ng Bill of Rights ng Pilipinas ang religious freedom.

Kalayaang araw-araw na nalalabag para sa mga taga-KOJC dahil sa matinding pressure at pagmaman-man ng pamahalaan.

24/7 binabantayan ng mga pulis ang buong perimeter ng religious compound.

Bago ito, nauna na nilang inatake ang lugar noong June 10, 2024 na nagdulot ng matinding trauma sa mga manggagawa ng simbahan.

Lahat ng ito, para lamang sirain ang kredibilidad ng KOJC at ng Spiritual Leader nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Section 5. No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights,” ayon sa Bill of Rights of the 1987 Philippine Constitution.

“Nanawagan kami sa mga (taga) KOJC na dapat hindi na kayo magbigay ng kahit ano papasukin diyan sa area ninyo dahil kung wala silang ipapakita na warrant na i-escortan sila ng barangay captain or sa mayor na pwede silang magpasok doon sa area ninyo,” giit ni Usman.

Para sa 11 tribo ng Dabaw, ang kalupitan ng Marcos administration sa mga Duterte lalo na sa KOJC ay tahasang paninira sa kapayapaan ng Davao City.

Kung bakit?

Ayon kay Usman, kilala ng mga taga-Davao ang totoong ugali ng mga Duterte at ni Pastor Apollo.

Malayo sa imaheng ipinipilit ng Marcos government na pinagmumukhang masama ang mga personalidad galing Dabaw.

“Sinisiraan nila ang imahe ng Dabaw para lamang sumikat sila. Ang gawin nila ‘yung batas, hindi sa batas sa kamay nila,” aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble