Mga Marcos, ni-rehab ng mga Duterte; Mga Marcos, dahilan ng pagkasira ng Uniteam—Sass Sasot

Mga Marcos, ni-rehab ng mga Duterte; Mga Marcos, dahilan ng pagkasira ng Uniteam—Sass Sasot

MGA Duterte ang nag-rehabilitate sa mga Marcos.

Ito ang mariing sinabi ng foreign relations scholar na si Sass Rogando Sasot sa panayam ng SMNI News.

Naungkat ang naturang usapin matapos lumabas ang isang panayam kay First Lady Liza Marcos kung saan sinabi nitong ‘bad shot’ na sa kaniya si Vice President Inday Sara Duterte.

Dahil umano ito sa pagtawa ni VP Sara nang sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Maisug Rally sa Davao City na ‘bangag’ si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay rito, binigyang diin ni Sasot na ang laki ng naitulong ng mga Duterte sa pagkapanalo ni Marcos Jr. noong 2022 elections.

At dahil aniya ito sa desisyon ni VP Sara na ‘wag nang tumakbo sa pagkapangulo at sa halip ay maging running mate at tumulong na lang sa pagkampanya kay Marcos Jr.

Dagdag pa ni Sasot, nasira ang Uniteam hindi dahil kay VP Sara kundi ng mga Marcos.

Follow SMNI NEWS on Twitter