Mga may sakit na AIDS, hinikayat na dumulog sa DOJ o sa DOH

Mga may sakit na AIDS, hinikayat na dumulog sa DOJ o sa DOH

MAAARING magpasaklolo sa Department of Justice (DOJ) at sa Department of Health (DOH) ang mga biktima ng nakamamatay na sakit na AIDS.

Sinabi ni Ms. Pamela Magdaluyo, coordinator ng grupong Duyan Program, sa ilalim ng Red Ribbon Care and Management Foundation, hindi dapat matakot at huwag mahiyang humingi ng tulong sa kagawaran.

Ito’y dahil confidential ang lahat ng impormasyon patungkol sa kanilang pagkatao at walang dapat ipag-aalala sa gagastusin dahil libre ang gamutan sa DOH.

Ginunita naman nitong Lunes, Mayo 22 ang International AIDS Day sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter