Mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ, pinasinungalingan ang mga paratang vs Pastor ACQ

Mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ, pinasinungalingan ang mga paratang vs Pastor ACQ

NAGSALITA na ang ilang manggagawa at miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ kasunod ng mga akusasyong ibinabato kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isa nga rito si Dyan Hortaleza na dating dancer ng noo’y pinakamalaking noontime show sa telebisyon.

Si Hortaleza ay nagkaroon ng depresyon at nang mapakinggan niya ang mensahe ni Pastor Apollo tungkol sa “Kapangyarihan ng Pag-ibig ng Panginoon” ay nagkaroon muli ito ng pag-asa sa kaniyang itinuturing na ikalawang buhay.

“I’m gonna tell you honestly speaking—no regrets at all,” ayon kay Dyan Hortaleza, Fulltime Worker/Pastoral Care, KOJC.

Pinasinungalingan ni Hortaleza ang mga alegasyon na ikinukulong lamang ang mga manggagawa ng Kingdom of Jesus Christ na nasa Pastoral Care Department.

Aniya, naikot na niya ang buong mundo kasunod ng mga worship service na tinatawag na ‘King is Coming Tour’ para maipaabot ang mensahe ng pagsisisi sa mga tao sa iba’t ibang bansa.

Ayon naman kay Arlene Rillon, malinaw sa kaniya ang pinasukan niyang ministry at hindi siya pinilit kagaya ng isyung ipinupukol ng mga naninira kay Pastor Apollo.

 “Nagpalabas ako ng vlog–alam ko kung ano ‘yung pinasukan ko na ministry,” saad ni Arlene Rillon, Fulltime Worker/Pastoral Care, KOJC.

Nilinaw naman ni Czarina Buenafe na parte rin ng Pastoral Care Department na normal lamang na dumadaan sa ‘correction’ o pagdidisiplina ang mga manggagawa ng Kingdom.

Aniya isa sa pinakamahalagang itinuro ni Pastor Apollo sa mga kababaihan ng Kingdom ay pagkakaroon ng dignidad na siya namang hindi nauunawaan ng iba na hindi kabahagi ng kongregasyon.

“Hindi ko maaatim—to go to damnation kaya dinidisiplina kami,” ayon kay Czarina.

Kasabay rito ay nagbabala naman si Ryline Joy Tabanao, parte rin ng Pastoral Care sa mga dating miyembro ng Kingdom na naninira na ngayon kay Pastor Apollo.

 “Pastor has given so much and I am so very thankful and grateful–i-shout out tamo daan, we know your records here,” ayon naman kay Ryline Joy Tabanao, Fulltime Worker/Pastoral Care, KOJC.

Samantala, ayon sa mga ito, hindi lamang ito ang mga vlog na lalabas dahil hindi na matiis ng mga manggagawa at mga miyembro ang mga kasinungalingan at paratang na ibinabato kay Pastor Apollo.

Asahan anila na mas marami pa ang magsasalita at dedepensa para sa butihing Pastor upang bigyang linaw ang tunay na pamumuhay ng mga manggagawa sa Kingdom of Jesus Christ.

Follow SMNI NEWS on Twitter