NAGBIGAY na ng direktiba ang pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para gamitin ang mga mosque sa gitna ng pagsisikap na maitaas ang pagbabakuna sa rehiyon.
Ayon kay BARMM Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na may kautusan na si Chief Minister Ahod Ebrahim, Al Haj na gawin ang naturang hakbang upang mapataas ang kanilang vaccination rate.
Paraan aniya ito upang maiangat ang bilang ng mga magpapabakuna at nang sa gayon ay mas maging accessible sa mga dumadalo ng kanilang kongregasyon ang mga target na mabakunahan.
Samantala bukod aniya sa nasabing pamamaraan ay gagamit din ng incentivize vaccination ang BARMM.
Gayunpaman nasa 1.4 million ang target na mabakunahan sa BARMM ngunit sa gagawing special vaccination days ay naka-commit aniya ang mga LGU na makapagturok ng 215,776 na mga indibidwal.