PINURI ni LtGen. Arthur Cordura, Acting Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging dedikasyon ng Civil Relations Service ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (CRSAFP) dahil sa ginagawa nitong pagpapalaganap ng arkitekturang seguridad ng bansa.
Ginawa ang naturang pagkilala kasabay ng kanilang ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag.
Ang pagdiriwang ng anibersaryo ay nagbigay-diin sa mahalagang ambag at tagumpay ng CRSAFP sa pagsulong ng mga mekanismo ng network at pagpapanatili ng epektibong mga operasyong militar.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni LtGen. Cordura, na ang CRSAFP at ang kanilang mga tauhan ay malaki ang ginagampanan sa mga operasyong militar, pagpapalaganap ng impormasyon, at mga programa ng pakikilahok sa komunidad, na may kaugnayan sa pagpapalakas ng depensa ng bansa.