NADAGDAGAN pa ang mga nagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) bago natapos ang deadline nitong Hunyo 11, 2025.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), hanggang 4:30 ng hapon nitong Miyerkules, 43 mula sa 64 senatorial candidates ang nakapagsumite ng kanilang SOCE.
Habang 18 naman mula sa 28 na political parties at 95 sa 154 party-lists.
Ang mga nanalong kandidato sa midterm elections na hindi nakapagsumite ng kanilang SOCE ay pagmumultahin ng P30K.