Mga nais magpakulong kay Pastor ACQ, nagpapabola sa mga CTG—Atty. Roque

Mga nais magpakulong kay Pastor ACQ, nagpapabola sa mga CTG—Atty. Roque

INIHAYAG ng dating Palace spokesperson na si Atty. Harry Roque sa prayer rally na inorganisa ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nagpapabola sa mga Communist Terrorist Group (CTG) na kasapi ng CPP-NPA-NDF ang mga nais na magpakulong sa butihing Pastor at kumikitil sa karapatan nitong ipagtanggol ang kaniyang sarili sa tamang hukuman.

“Ang sagot natin sa katanungan, titigil ba tayo hangga’t hindi natin makamit ang katarungan? Titigil ba tayo hangga’t hindi natin makamit ang hustisya?” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.

Iyan ang inihayag ni Atty. Roque sa KAKISAB Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio araw ng Lunes, Marso 4, 2024 kung saan nanawagan nga ito sa mga nakaluklok sa posisyon na magbago na habang may pagkakataon pa.

“Bakit nila ipinakukulong ang kalaban ng teroristang CPP-NPA dahil sila ay nagpapabola sa mga terorista.”

“Ang mensahe namin, makinig na kayo habang may pagkakataon pa kayong magbago dahil ang sambayanang Pilipino ubos na po ang pasensiya.”

“At kung babalewalain ninyo ang sigaw namin para sa katarungan at hustisya humanda po kayo sa hagupit ng taumbayan.”

“Kayong mga naghahari-harian, kayong mga niluklok namin sa posisyon, kayong binigyan namin ng sole and exclusive coverage, maniningil kami dahil kami ang nagluklok sa inyo sa kapangyarihan,” ayon pa kay Roque.

Kaugnay rito ay nagpaalala naman si Roque na ang mga kilalang tagapagtanggol na nakasaad sa kasaysayan ng bansa ay siya ring mga inuusig gaya nga ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“’Wag nating kalimutan na ang kasaysayan hindi inukit ng mga pinupuri ang kasaysayan gaya ni Gat Andres Bonifacio, ni Jose Rizal, inapi at pinatay pa nga. Si Pastor Quiboloy kinakailangan siguro mapatay ninyo bago mapatahimik dahil ang nais namin ay katotohanan,” paalala ni Roque.

Si Pastor Apollo nga ay kilalang hayagang tumutuligsa sa mga karahasan ng mga teroristang CPP-NPA-NDF na higit limang dekada nang sumusupil sa karapatan ng mga Pilipino na makaranas ng malayang bansa mula sa insurhensiya.

Speaker Romualdez, walang pag-asang maging presidente—Atty. Roque

Samantala, binigyang-diin naman ni Roque na walang pag-asa si House Speaker Martin Romualdez na maging presidente dahil wala itong prinsipyo.

“Ikaw Tambaloslos wala kang pag-asa na maging presidente.”

“At bakit Tambaloslos malalampaso ka ni VP Sara? Dahil wala kang prinsipyo.”

“Bakit namin mahal ang mga Duterte? Dahil ang mga Duterte mayroong isang salita,” aniya.

Matatandaan na ngayon ay sinisikil ng House of Representatives na pinamumunuan ni Romualdez ang karapatan ng SMNI sa pagkakaroon ng prangkisa at idinadamay pa nga si Pastor Apollo na walang kinalaman sa operasyon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble