Mga namayapang Filipino athletes, isinusulong na mabigyan ng lugar sa Libingan ng mga Bayani

Mga namayapang Filipino athletes, isinusulong na mabigyan ng lugar sa Libingan ng mga Bayani

INIHAIN ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panukalang mabigyan ng karapatan ang namayapang sport heroes ng bansa na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Barbers, layunin ng House Bill No. 3716 ay maipabatid ang pagpapahalaga sa mga atletang malaki ang naiambag sa karangalan ng bansa.

Isa na sa inihalimbawa ni Barbers ang naging kontribusyon ng namayapang si Asian sprint legend Lydia de Vega.

Dagdag pa ni Barbers, naging inspirasyon at iniidolo rin ang mga atletang ito sa mga kabataan ngayon lalong-lalo na ang mahilig sa iba’t ibang sports kung kaya’t nararapat lang na mabigyan sana sila ng lugar sa Libingan ng mga Bayani

Follow SMNI News on Twitter