Mga napinsalang eskwelahan dulot ng Bagyong Paeng, umabot na sa higit 200 –DepEd

Mga napinsalang eskwelahan dulot ng Bagyong Paeng, umabot na sa higit 200 –DepEd

UMABOT na sa higit 200 eskwelahan ang nagtamo ng pinsala dulot ng Bagyong Paeng ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa datos ng DepEd as of 6:00 pm ng October 31, nakapagtala sila ng kabuuang 261 na eskwelahan na may pinsala dahil sa bagyo.

Pumalo naman sa kabuuang 381 na silid-aralan ang nasira.

Sa ngayon, nasa 528 na eskwelahan ang ginagamit na evacuation center ayon sa DepEd.

 

Follow SMNI News on Twitter