Mga nasugatan sa pagyanig sa Abra, umabot na sa 44 –NDRRMC

Mga nasugatan sa pagyanig sa Abra, umabot na sa 44 –NDRRMC

UMAKYAT na sa 44 ang mga nasaktan sa magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Oktubre 27.

Sa nasabing bilang, 12 sugatan ang nagmula sa Ilocos Region at 32 sugatan sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ilan sa mga ito ay nagtamo ng sugat o gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang may nagtamo ng head injury, hematoma at multiple physical injuries.

Samantala, walang naiulat na nasawi o nawawala sa nasabing pagyanig.

Follow SMNI News on Twitter