Mga negosyante sa South Korea, huminto na sa pagbebenta ng seafoods

Mga negosyante sa South Korea, huminto na sa pagbebenta ng seafoods

KARAMIHAN sa mga negosyante sa South Korea ay huminto na sa pagbebenta ng mga Japanese seafood dahil sa tumataas na mga alalahanin tungkol sa kaligtasan nito matapos simulan ng Japan ang pagpapalabas ng mga radioactive wastewater sa karagatan.

Ayon sa mga nagbebenta ng mga sariwang isda, sa loob ng 50 taon sa daungan ng lungsod ng Gwangju, kapansin-pansin ngayon ang pagbaba ng kita ng kanilang mga negosyo.

Kaya naman, binigyang-diin ngayon ng mga tindera sa lugar at sa buong South Korea, na wala na silang ibinebentang Japanese seafood, sa pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga costumer at ngayong taglamig, titigil na rin ang ilang mga vendor sa pagbebenta ng mga frozen pollock na mula sa Japan.

Habang ang catering sector naman ng South Korea, ay nagmamadali na sa paggawa ng mga back-up solutions, dahil pinuputol na ng mga pangunahing restaurant at hotel chain ang ugnayan ng mga ito sa mga supplier ng Japanese seafood, na ayon sa isang local sashimi franchise, huminto na ito sa paggamit ng mga Japanese tuna at kukuha na lamang ng mga isda sa Europa.

Inilista naman ng upmarket hotels na nasa capital city ng Seoul at ng tourist attraction ng Seoul ang mga pinagmulan ng lahat ng seafood at inalis ang mga pagkaing may tatak na “Made in Japan” mula sa kanilang mga menu.

Dahil sa unilateral na pasya ng gobyerno ng Japan, maraming mga negosyante ngayon ang nagsakripisyo ng kanilang mga negosyo at nagdulot ng matinding takot sa publiko sa pagkain ng mga lamang dagat.

Follow SMNI NEWS on Twitter